You are on page 1of 3

Kamalayan ng mga Estudyante ng USLT Ukol sa Pagpapanumbalik ng Death Penalty

KABANATA I

A.Kaligiran ng Pag-aaral

Ang paglaganap ng mga isyung panlipunan na nagaganap sa ating bansa at kapaligiran


ay pumupukaw sa diwa ng tao upang makalikha ng ideya na maaaring makatugon sa mga
problema ng sambayanan.Samakatuwid, isa sa mga pinaka-kontrobersiyal na kontemporaryong
usapin at paksa ay patungkol sa muling pagpapatupad ng Death Penalty sa ating bansa,ang
Pilipinas.Ayon sa Republic Act 7659, ang Death Penalty ay ang parusang ipinapataw sa mga
gumagawa ng mga kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis ,nakaririmarim,kakila-kilabot at
nakapopoot.Ilang halimbawa ng mga krimen na maaring humantong sa kaparusahan ng
kamatayan ay parricide,murder,qualified bribery,piracy,kidnapping,robbery,rape at drug pushing.

Ayon sa artikulo ng Preen Inquirer, isang bata o dalaga ay nakakaranas ng panggagahasa


bawat animnapu't dalawang minuto. Ito ay isang seryosong krimen na dapat pagtuunan ng pansin
dahil ito'y nakakasira ng katawan at isip ng biktima at nakakasira ng reputasyon ng pilipinas. Isa
sa mga solusyon sa mga ganitong klaseng krimen noong kapanahunan ni dating Presidente
Marcos ay ang pinatupad na Death Penalty o Sentensyang Kamatayan na kung saan,ito ay isang
legal na pamamaraan.

Sa gitna ng mga kontemporaryong kinahihinatnan ng ating estado,naghahangad ang


ibang tao na mabigyang solusyon ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabalik ng Sentensyang
Kamatayan o Death Penalty dito sa Pilipinas.Subalit,marami ay nagugulumihanan kung karapat-
dapat ba itong ibalik upang maging instrumento sa pagpapababa ng antas ng krimen dito sa ating
bansa.Ilan sa mga iba ay tutol sa layuning ibalik ang Death Penalty sapagkat ang ang ating
bansa ay pinapangalagaan ang maunlad na Kristiyanismo at ang prosesong ito ay labag sa
karapatang pantao.

Kung gayon, isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang perspektibo ng bawat
mag-aaral ng Unibesidad ng San Luis ukol sa pagbabalik ng Death Penalty sa bansa. Ang Death
Penalty ay isang pamanahong isyu na laging napag-uusapan kaya't gusto ng mga mananaliksik
na malaman ang mga ano komento ng mag aaral kaugnay ditto,ung ang dulot ba nito ay
katarungan para sa paghahanap ng hustisya o isang kasalanan sa mata ng Diyos. Makakatulong
din ang pananaliksik na ito batay sa mga nakalap na datos kung karapat-dapat bang ipatupad
muli ang Death Penalty.

BUGAR GRANDE LAZO MAGGAY PASION


Kamalayan ng mga Estudyante ng USLT Ukol sa Pagpapanumbalik ng Death Penalty

B.Layunin ng Pag-aaral

Nilalayon ng pananaliksik na ito na kunin ang pananaw at opinyon ng mga piling mag-
aaral ng Unibersidad ng San Luis kaugnay sa muling pagsasabatas ng Death Penalty sa Pilipinas.
Ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1.Ano ang pananaw ng mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis ukol sa pagpapatupad
muli ng Death Penalty batay sa:

a.Edad

b.Strand

c.Kasarian

2.Gaano kalawak ang kaalaman ng mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis tungkol sa
Death Penalty?

3.Anu-ano ang mga dahilan ng estudyante sa pagtugon ukol sa pagpapanumbalik ng Death


Penalty?

BUGAR GRANDE LAZO MAGGAY PASION


Kamalayan ng mga Estudyante ng USLT Ukol sa Pagpapanumbalik ng Death Penalty

C. Layunin at Kahalagahan

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang kaalaman,perspektibo at reaksyon ng


mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis ukol sa Pagpapanumbalik ng Death Penalty sa
bansa.Makakatulong din ang pananaliksik na ito upang mapalawak ang kaisipan ng mga mag-
aaral at makialam sa soyal na lipunan at kontemporaryong isyu na kinakaharap ng ating
bansa.Gayundin,ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

1.Kababaihan

2.Kabataan

3.Mag-aaral

4.Magulang

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy lamang sa mga pananaw at opinyon ng mga napiling
mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis tungkol sa isyung pagpapatupad ng Death Penalty.

BUGAR GRANDE LAZO MAGGAY PASION

You might also like