You are on page 1of 3

Bayang magiliw

Perlas ng silanganan
Alab ng puso sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil
Sa dagat at bundok na simoy
At sa langit mong bughaw
Tagumpay na nagnininging
Ang bituin at araw niyan
Kailan pa ma'y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo

Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan at
Makabansa

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,


Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas

I
Laguna,O Laguna,Lalawigang Marangal
Tanging Pinagpala ng Butihing bathala
Supling mo ang pinili
Na bayani ng Lahi
Kapurihan at dangal ng liping kayumanggi

II
Laguna ang iyong Pangalan
Sagisag ng Kagitingan
Sa lawa mu't kaparangan
Mga bayani'y nahimlay

III
Kadluan ng mithii't pangarap
Ng Bukirin Bundok mo't Gubat
Ikaw Laguna ang Buhay
At aming Patnubay

[REPEAT I]

Dito sa Timog Katagalugan


Sumibol ang bagong pangalan
Ang kaunlaran kay bilis at masagana
Lahat kami may pagkakaisa
Sa mithiin ay sama-sama
Mabuhay ang Calabarzon
Calabarzon sa habang panahon

Interlude:
Lalawigang Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at mga lungsod pa
Antipolo, San Pablo, Cavite, Lucena,
Batangas, Calamba, Sta. Rosa, Dasmarinas, Tayabas, Imus, Bacoor, Biñan, Tanauan At
Lipa... Hey Hey!
Mga kawani ay tanging-tangi
Maglinkod ay laging gawi
Kaylan pa man sa Diyos ang aming Lahi
Kabataan ay paunlarin
Ito ang unang layunin
Mabuhay ang Calabarzon
Calabarzon sa habang panahon

Lalawigang Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at mga lungsod pa


Antipolo, San Pablo, Cavite, Lucena,
Batangas, Calamba, Sta. Rosa, Dasmarinas, Tanauan
At Lipa... Hey Hey!

Dito sa Timog Katagalugan


Sumibol ang bagong pangalan
Ang kaunlaran kay bilis at masagana
Lahat kami may pagkakaisa
Sa mithiin ay sama-sama
Mabuhay ang Calabarzon
Calabarzon sa habang panahon
Mabuhay ang Calabarzon
Calabarzon sa habang panahon

Mabuhay!

You might also like